Ako ay isang babae na parang nakakulong sa isang kahon na ang nag sisilbing pangsara dito ay ang aking mga magulang.
Ang bahay ang nag sisilbi kong kahon, At sa bawat paglabas ng isang kagaya ko ay kailangan ng pahintulot ng aking mga magulang bago ako makalabas dito. Minsan napapaisip ako parang mali naman ang pag kokontrol sakin ng aking mga magulang sa paglabas labas ko ng bahay namin.
Hanggang sa tumakas ako sakanila dahil sa kagustuhan ko na makasama ang aking mga kaibigan at makapag galagala kung saan-saan,pero yung araw nayon napasama yung pag takas ko dahil nung araw nayon muntik nako mapahamak dahil sa mga kaibigan ko .
Pauwi na kame at patawid kame ng kalasada habang nag haharutan yung mga kaibigan ko at itinulak ako ng isa sakanila dahil sa sobrang tuwa at dahil doon malapit nako mahagip ng padaan na sasakyan . At pag uwi ko pinagalitan ako ni mama tas sinabi na “pano kung mapahamak ka anung magagawa mo”at dun ko naalala yung nagyare nung araw den nayon sakin.
Simula non naisip ko nalang na para din pala sa ikabubuti ko ang ginagawa nilang pag hihigpit sakin , para hindi ako mapahamak.

At hanggang ngayon pinagpapatuloy ko nalang na mas makinig sakanila kayaa mapahamak ako sa mga desisyon ko sa sarili ko.